Posibleng ‘Covid surge’ sa Enero, pinangangambahan

SORSOGON CITY – Nangangamba si Sorsogon Provincial Health Officer Dr. Renato Bolo Jr. sa posibleng Covid surge muli sa Enero ng susunod na taon.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na malaki ang posibilidad na tumaas muli ang mga kaso ng impeksyon sa nasabing peryodo kung marami pa ang ayaw at hindi magpapabakuna.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dagdag pa nito, aabot pa lamang sa 24% ang fully vaccinated sa buong lalawigan.

Kaugnay nito, umapela ang opisyal sa publiko na huwag nang pumili ng brand ng vaccine at magpabakuna na para sa proteksyon at kapakanan ng lahat.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Aniya, nais at dalangin na rin kasi nila na  maging ‘merry’ na ang Pasko lalo na at halos lahat  umano ng mga medical health workers ay pagod na pagod na rin sa paglaban sa nasabing sakit.