Sen. Go, nanindigan na walang kumokontrol kay Pangulong Duterte

Nanindigan ang dating aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senator Christopher Bong Go na walang sinoman ang kumokontrol sa mga desisyon at galaw ng Punong Ehekutibo sa pagpapatakbo ng bansa.

Ito ay matapos sabihin ng presidential aspirant na si Antonio Parlade na isa sa mga problema ng bansa ngayon ay ang pagkontrol ni Go sa Pangulo.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sinabi ni Go na mismong ang Pangulo na ang nagsabi na hindi naman ito magiging presidente kung pinapaikot lamang siya ng ibang tao.

Inihayag ng senador na bilang dating assistant ng Pangulo ay tumutulong siya sa pag-implementa ng ilan nitong mahahalagang desisyon tulad na lamang ng pagpapataas sa sweldo ng kasundaluhan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ipinunto naman ni Go na imbis na makipagsagutan sa dating heneral ay mas tututukan niya ang mga bagay na makabubuti sa gobyerno at sa bayan.

Samantala, sinabi naman ng Pangulo sa kaniyang taped briefing na kailangan niya si Go sa mga Cabinet meetings dahil nagsisilbi ito bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography.