Rank no.4 municipal most wanted person ng polangui arestado na sa Zambales dahil sa kasong statutory rape

LEGAZPI CITY – Naaresto na ng mga awtoridad ang Rank No 4 Municipal Most Wanted Person ng Polangui sa Sitio Palawan, Brgy. Guinabon, Sta. Cruz, Zambales dahil sa 12 kasong Statutory Rape.

 Kinilala ang akusado na si alyas Ian, 28 anyos residente ng Purok 7, Brgy Maysua, Polangui, Albay at naninirahan na ngayon sa nasabing barangay.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

 Ayon sa report, natagpuan ng mga kapulisan ang matagal na rin nilang hinahanap hanap sa nabanggit na barangay dahil dito ay bitbit ng mga ito warrant of arrest na pirmado noong Enero 18, 2015 sa nasabing kaso.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

 Wala rin na inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Ang akusado ay nakatakdang ibalik sa kanyang court of origin upanng harapin ang kanyng kinakaharap na kaso.