Drugstore sa Guinobatan, Albay nilooban, 95k halaga ng pera, tinangay

LEGAZPI-Bukas na ang roll up door ng isang drugstore sa Barangay Poblacion sa bayan ng Guinobatan lalawigan ng Albay nang maabutan ng kahera nito Kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report na ipinalabas ng pulisya, nakaangat ng 7 pulgada ang roll up door at nadiskubreng nakabukas na ang cash vault na may lamang pera na aabot sa 95,000 pesos

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Hinihinalang gumamit ng bolt cutter ang salarin para putulin ang padlock ng roll up door.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon naman umano CCTV footage, nagrequest na umano ang Guinobatan MPS for review at inaantay pang maaprobahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente lalo na ang pagkakakilanlan ng mga salarin