Tatlo, dagdag na nasawi sa Covid-19 sa Sorsogon; dalawa dito, senior citizens

SORSOGON CITY – Nadagdagan naman ang bilang ng mga pasyenteng nasawi sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa komplikasyon sa virus.

Muling nakapagtala ang Sorsogon Provincial Health Office ng tatlong bagong nasawi, kung saan dalawa dito ay senior citizens.

Read More:  Woman dies after boulder falls during alleged gold search in Negros Oriental

Kinabibilangan ito ng isang  61-anyos na lolo mula sa Brgy San Vicente, Bacon District at 71-anyos na lola mula naman sa Brgy Bibincahan ng parehong lungsod, habang isang 39-anyos na lalaki naman mula sa Brgy Salvacion sa bayan ng Pilar.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

May kabuuang 415 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa komplikasyon dulot ng Covid-19, 143 dito ay mula sa Sorsogon City.