22 rescue vehicle ipamimigay ng LGU Polangui sa mga lowland barangays ngayong 2022

 LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Local Government Unit (LGU) Polangui na makakatanggap ng mga rescue vehicle ang mga barangay sa nasabing bayan.  Ayon kay Mayor Andy Mariscotes ng Polangui Albay, 22 rescue vehicle ang ipapamigay sa mga low land barangays.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

 Aniya, kauna-unahang din ang LGU na magbibigay ng nasabing sasakyan sa mga barangay.  Ang rescue vehicle ay mapopondohan mula sa 2022 Economic Development Fund.  Layunin nito ay mapabilis din umano ang paghahatid sa emerhensya patungong ospital at makapagsalba rin ng buhay ng isang tao tuwing magkakaron ng insidente.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

 Sinabi ng opisyal, hangad din nito na magkaroon ang 44 na barangay sa Polangui ng rescue vehicle at iba pang kagamitan pagdating sa emerhensya.