60-anyos na lola at 15-anyos na binatilyo kabilang sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes

BNFM BICOL—Nakapagtala ng anim na bagong kaso ng COVID-19 ang islang lalawigan ng Catanduanes kahapon kabilang ang isang 60-anyos na lola mula sa bayan ng Pandan at isang 15-anyos na binatilyo mula naman sa bayan ng San Miguel.

Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, tigdalawang kaso ang naidagdag sa bayan ng Pandan at San Miguel habang tig-isa naman ang mga bayan ng San Andres at Virac.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Bunsod nito, pumalo na sa 1,957 ang mga naitalang kumpirmadong kaso ng sakit sa isla kung saan 412 sa mga ito ang aktibong kaso.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nakapagtala naman ng mataas na bilang ng recoveries ang lalawigan, dahil sa 47 mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 1,534 na ang COVID-19 recoveries sa probinsya habang wala naman naiulat na bagong nasawi kaya’t nananatili sa 11 ang death toll ng sakit.###