Dargani siblings ng Pharmally, na-cite in contempt ng Senado

Na-cite in contempt ng Senado ang Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani dahil sa kabiguan nila na magsumite ng mga dokumento na pinapa-subpoena mula sa kanilang kompanya.

Base sa contempt order ay pinapa-detain ang magkapatid sa Senado, habang nagpapatuloy ang mga pagdinig kaugnay sa mga biniling COVID-19 supplies ng gobyerno.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Sinabi ni Mohit, na nagsisilbi bilang secretary at treasurer ng Pharmally, na tumanggi ang kompanya na ibigay ang mga pinapa-subpoeana na dokumento.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ipinunto rin niya na pwedeng ma-access ang mga dokumento sa pamamagitan ng ibang paraan sa ilalim ng isang batas.

Mababatid na si Twinkle ang nagsisilbing presidente ng naturang kompanya.