Pinaghahandaan na ni Magnolia coach Chito Victolero ang matinding tapatan sa pagitan ng Hotshots at TNT sa PBA Philippine Cup best-of-seven finals sa Bacolor simula mamayang gabi.
Sinabi ni Victolero na pinaghahanda na niya ang Hotshots para sa mahabang serye.
Ipinunto ni Victolero na maganda ang lineup ng TNT habang mahusay rin ang coach nito.
Iginiit niya na alam niya kung paano mag-handdle ng pressure si coach Chot Reyes.
Gayunman, sinabi ni Victolero na kahit anong mangyari ay handa silang maglaro hanggang Game 7.
Inihayag rin ng Magnolia coach na mas balanse ang team nila ngayon at kaya nilang maglaro sa loob ng 48 minuto na may same energy at aggressiveness.
