Panukalang batas na nagsusulong sa pagtatayo ng LTO District Office sa Viga, Catanduanes, lusot na sa house committee on transportation

BNFM BICOL—Aprubado na sa House Committee on Transportation ang panukalang batas na nagsusulong sa pagtatayo ng district office ng LTO sa bayan ng Viga, Catanduanes.

Ayon sa ulat, pinaburan ng mga miyembro ng nasabing komite ang House Bill 9545 at House Bill 9546 na inihain ng lone district congressman ng lalawigan na si Cong. Hector Sanchez.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sakaling maging ganap nang batas ang mga naturang panukala, maisasakatuparan ang matagal nang hinaing ng mga residenteng malayo sa kabiserang bayan na mapalapit sakanila ang access sa LTO para sakanilang mga transaksyon sa tanggapan.

Ang mga bayan kase sa hilagang bahagi ng Catanduanes gaya ng Viga at Caramoran ay lubhang malayo sa bayan ng Virac kung kaya’t pahirapan para sa mga residente dito ang paglalakad ng kanilang mga transakyon at kinakailangang dokumento sa LTO.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon ay sisikapin umano ng kongresista sa islang lalawigan na maipasa ang batas sa lalong mas madaling panahon, lalo na at mas marami na ang nais na magkaroon ng sariling sasakyan sa probinsya upang maibsan ang mataas na pamasahe mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.###