PNP Maritime sa Camarines Norte nagsagawa ng Disaster Preparedness Drill

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng disaster preparedness drill ang Maritime Police Station dito sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon.

Ginawa ang earthquake and fire drill sa kanilang himpilan sa bayan ng Mercedes na nilahukan ng mga personnel.

Ayon sa Maritime Police Station, malaki ang maitutulong ng ganitong mga drill upang ma- perfect ang kanilang response sa isang particular emergency situation tulad ng masamang lagay ng panahon, bomb threat, landslide, flashflood, earthquake at fire incidents.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang isa umanong epektibong disaster drill ay dapat makatotohanan, interactive at moderately stressful sa mga participants.

Sa pamamagitan umano ng mga ganitong drill ay makikintal sa isipan ng mga participants ang mas magandang ideya at ang kanilang roles and responsibilities sa panahon ng sakuna at alam ng mga ito ang gagawin.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Makakatulong din umano ito sa kanilang organizational leaders para sa pag evaluate ng mga plano at procedures.

Courtesy: 503rd Maritime Police Station