Suspek sa hit-and-run sa Malilipot, Albay sumuko na

LEGAZPI-Sa halos isang linggo na ang nakalilipas ng nangyaring hit-and-run sa Barangay San Jose bayan ng Malilipot Albay, sumuko na sa himpilan ng malilipot Municipal Police Station ang suspek na nasa likod ng insidente.

Sa report ng Malilipot MPS, matapos ang 9 na araw, boluntaryong nag-surrender na sa kanila si Al Delos Reyes, 56 anyos na residente ng barangay Rawis lungsod ng Legazpi.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Sa inisyal na pahayag ng suspek, natakot umano ito at inatake ng highblood dahilan ng pagtatago.

Sa pagharap nito sa pamilya ng biktima na si Ferdinand Boseo na binawian ng buhay noong Oktobre 5, nagkasundo ang magkabilang panig na iareglo na lamang at magbabayad sa iniwang pinsala nito.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Kung maaalala, maliban kay Boseo dalawang binata rin ang sugatan ng mahit-and-rin ng nasabing sasakyan.