Healthcare utilization sa Camarines Norte patuloy na bumababa

CAMARINES NORTE- Patuloy na bumababa ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte na ngayon ay nasa low risk level.

Nangangahulugan ito na lumuluwag na ang mga ospital hindi katulad ng dati na umabot pa sa high risk.

Sa ulat ng Department of Health kahapon, nasa 37. 9 % ang COVID- 19 bed utilization sa lalawigan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa isolation bed ay mayroong 51. 6 % utilization, 21. 4 % sa Covid ward beds at 16. 7 % sa ICU beds habang wala namang naitalang pagamit sa mechanical ventilators.

Batay naman sa iprinesentang datos ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa mga Alkalde kahapon mayroon na lang 26 na total COVID patients ang naka confine ngayon sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa kabila nito patuloy pa rin ang paaalala ng DOH at ng Provincial Health Office na sundin ang minimum health standards kontra COVID- 19.

Ito umano ay dapat na mahigpit na ipatupad ng mga Lokal na Pamahlaan.