Pilippine-US EDCA activities, paiigtingin ayon sa AFP chief

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na inaasahan nitong iigting pa ang mga aktibidad sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at US sa pagpapatuloy ng Visiting Forces AGreement.

Sinabi ni AFP chief-of-staff General Jose Faustino, Jr. na napag-usapan nila sa kanilang meeting ang mga bagay na tutugon sa mga “gaps” na kanilang naranasan dahil sa ilang problema at hamon.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Ipinunto niya na kasama na rito ang pandemya na nagpapatuloy pa rin sa bansa.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ibinunyag naman ni Faustino na meron nang nangyayaring pag-uusap para makapagpartisipa ang United Kingdom bilang observer sa taunang Balikatan exercises sa 2022.

Sa kasalukuyan ay nagsisilbi ang Japan at Australia bilang observers sa Balikatan.