Presyo ng krudo posibleng tumaas na naman sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon ng panibagong round ng oil-price hike sa susunod na linggo.

Ito ang nakikita ni Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad.

Paliwanag ni Abad na batay sa kanilang monitoring sa trend ng trading price ngayong linggo may indikasyon umanong tataas na naman ang presyo ng langis sa world market.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Wala pa namang announcement mga oil companies subalit kadalasan ay Sabado o Linggo umano ang mga ito nag-aanunsiyo.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Unang sinabi ng DOE na ang pagtaas ng presyo ng krudo sa world market ay dahil sa manipis na supply at mataas na demand nito sa buong mundo.

Dito sa Pilipinas ilang transport group na ang humirit ng dagdag-singil sa pamasahe dahil sa sunod-sunod na oil price hike.