Suspek sa panggagahasa sa Daraga, Albay aretado matapos ang 8 taon na pagtatago

LEGAZPI CITY  –Sa tagal ng pagtatago sa batas ng isang lalake matapos na manggahasa noong taong 2013, ay hindi na rin ito nakawala sa bagsik ng mga kamay ng  Albay Kasurog Cops makaraang mamataan at maaresto ng mga awtoridad sa bayan ng Daraga.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ayon sa report, dakong alas 2:00 ng hapon nang maaresto si “Remus”, 45 anyos, may kinakasama, drayber, at naninirahan sa Brgy. Poctol, ng nasabing bayan.

Batay sa nakapaloob sa “Warrant of Arrest” na inisyu ng korte noong Abril 4, 2013, ang akusado ay may nakabinbin na kasong “Rape” na  walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing krimen. Kaya sakaling mapatunayan sa korte, posibleng makulong ang akusado ng habang buhay.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar