Dating Mayor Carlwyn “Awin” Baldo naghain ng kandidatura sa pagka-alkalde sa Daraga, Albay

LEGAZPI- Sa huling araw ng Certificate of Candidacy Filing sa Comelec, nagfile na si dating Mayor Carlwyn Baldo bilang alkalde ng bayan ng Daraga sa lalawigan ng Albay.

Hapon na ng magpunta si Baldo sa Comelec Daraga office na kung saan sa kanyang public post nagpapasalamat ito sa patuloy na sumusuporta sa kanya at humiling ng kapayapaan sa darating na election 2022.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kung maaalala naging matunog ang pangalan ni baldo noong election 2019 matapos ang pagkakadawit ng pangalan sa likod umano ng pagpatay kay Ako Bicol Part-List Congressman Rodel Batocabe na sanay tatakbo rin bilang alkalde ng nasabing bayan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Subalit nakalabas rin matapos makapag pyansa.

Sa kasalukuyan, magiging kalaban nito sa posisyon si Mayor Victor Perete kung sakaling maglabas na ng pinal na listahan ang comelec.

Dahil ayon naman sa ahensya, may deliberasyon pa ito at aalamim ng em banc kung kwalipikado ang lahat ng mga aspirant candidate sa election 2022.