2 media personalities sa Albay humabol sa pagtakbo sa halalan 2022

LEGAZPI CITY – Mayroong pang mahigit tatlong oras na natitira bago isara ng Commission on Election (COMELEC) Albay ang pagfile ng Certificate of Candidacy (COC) kahapon sa mga nagnanais tumakbong politiko .

Kinumpirma ng Comelec Albay na mayroong dalawang media personality ang nakapag file ng kanilang kandidatura na sina Domingo Arao bilang Congressman sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Albay na independent at Jun Alegre bilang Board Member ng 2nd District na independent.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Magugunita, si Alegre ay tumakbong Gobernador ng Albay nitong nakaraaang eleksyon upang labanan ang kasalukyang Gobernador na si Al Francis Bichara subalit hindi ito pinalad na manalo.

Samantala, Humabol din sa pagfile ng COC si Carmelo Redencio Jun Dele Leoz Jr bilang Congressman ng 2nd District sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa.

Nagsumite rin ng kandidatura si Harold Ong Imperial bilang Bise Gobernador ng Albay sa ilalim ng Abag Promdi at Nakapagfile na rin si Rolly Rosal bilang Board Member 2nd District ng Albay sa ilalim ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino Party.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon sa Comelec Albay General peaceful o walang insedenteng naganap na nangyari sa paghahain ng kandidatura ng mga politiko kung saan nasunod naman ang health protocols na ipinatutupad ng Department of Health (DOH) laban sa nakakamatay na sakit sa Covid 19.