Top 3 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte arestado!

MERCEDES, CAMARINES NORTE- Sa pamamagitan ng warrant of arrest ay napasakamay ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng  Mercedes, Camarines Norte

Ang suspek ay kinilalang si Jolo Alfante Y Delos Santos, 30 anyos, residente ng  Barangay Lalawigan ng nabanggit na bayan

Ang pagdakip sa suspek ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PNP sa pamumuno ng CIDG Camarines Norte Provincial Field Unit

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Si Alfante ay nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 kung saan walang pyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan

Napagalaman na nasa mahigit sampung taon itong nagtago sa batas kung saan ipinagutos ng korte ang pagdakip dito noon pang June 17, 2010

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Nakakustodiya na ngayon ang naarestong suspek sa Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon