Katotohanan kaugnay sa mga anomalya sa COVID-19 supplies purchase ng gobyerno, hiniling ng ilang grupo ng mga doktor

Humihingi ang Philippine College of Physicians (PCP) at ang iba pang medical groups ng accountability at tranparency sa mga anomalya umano pagbili ng gobyerno sa sinasabing overpriced COVID-19 supplies.

Sa isang pahayag ay sinabi ng PCP na labis nitong ikinagalit ang korapsyon umano na makikita sa pagbili sa personal protective equipment.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ipinunto nila na tinataya nila ang kanilang buhay para alagaan ang mga Pilipinong pasyente na walang iniisip na pamumulitika.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Iginiit ng grupo na masakit para sa kanila na marinig na may mga tao na sinasamantala ang sitwasyon.

Binigyang diin rin ng organisasyon na hindi sila pwedeng manahimik o manuod lang habang unti-unting naisisiwalat ang mga nasabing alegasyon.