Madam Inutz, pasok sa PBB Kumunity Season 10

Pasok sa “Pinoy Big Brother” house ang viral online seller na si Daisy Lopez na mas kilala bilang si Madam Inutz.

Isa siya sa tatlong unang housemates ng upcoming “PBB Kumunity” Season 10.

Bukod kay Madam Inutz, ay inanunsyo rin sa pamamagitan ng Kumu na lalahok sa reality show ang volleyball star na si Alyssa Valdez at singer na si KD Estrada.

Read More:  16 new housemates enter ‘Pinoy Big Brother: Collab 3.0’

Nasa gitna ng livestream si Madam Inutz nang dumating si Melai Cantiveros para kumpirmahin ang pagkakasama niya sa PBB.

Read More:  ‘2 Valid IDs’ highlights struggles of wife seeking financial aid for sick husband

Ibinunyag naman ni Cantiveros kay Madam Inutz na pumasa ito sa medical test.

Agad rin pinag-impake si Madam Inutz at binigyan ng 30 minuto para magpaalam sa mga mahal niya sa buhay.