Nasa 10 curfew violators pinangaralan ng PNP at pinaglinis ng kapaligiran sa bayan ng Jose Panganiban

JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE – Nakatikim ng pangaral mula sa Jose Panganiban PNP ang mga nahuling lumabag sa curfew na ipinaiiral sa lalawigan

Dahil sa mas pinaigting na police visibility sa naturang bayan alinsunod na rin sa ipinalabas na direktiba ni Mayor Ariel Non, nasa (10) indibidwal ang nahuling lumabag sa 9:00PM-5:00AM curfew

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang mga violators na nahuli ay dinala sa Jose Panganiban Municipal Police Station at doon sila ay pinangaralan at pinaglinis ng kapaligiran.

Matapos pangaralan ay inihatid na rin ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan lalo na ang mga menor de edad.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Katuwang ng Jose Panganiban Police Station ang mga Barangay Tanod ng 27 Barangays at mga Civic Organization Volunteers ng Jose Panganiban.