Pilipinas, nagtala ng 9,055 na bagong COVID cases; DOH, walang naiulat na nasawi dahil sa system issue

Inanunsyo ng Pilipinas na naitala ang 9,055 na bagong COVID-19 cases sa buong bansa, na pinakamababa na sa loob ng dalawang buwan.

Kasabay nito ay sinabi ng Department of Health na walang naitalang bagong nasawi dahil sa nararanasan nitong isyu sa kanilang system.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sa kasalukuyan ay sinabi ng DOH na umabot na sa mahigit 2.61-million ang bilang ng mga tao na nakumpirmang nagka-COVID-19 sa bansa.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Kasama na sa bilang ang 103,077 na aktibong kaso.

Naitala rin ng DOH ang 12,134 na bagong recoveries, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa mahigit 2.47-million.