Inflation rate bahagyang bumaba sa 4.8 percent nitong Setyembre

Bahagyang bumaba ang naitalang inflation rate sa bansa nitong buwan ng Setyembre.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 4.8 percent ang inflation rate noong nakaraang buwan mas mababa sa 4.9 percent na naitala noong Agosto.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Pasok naman ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 4.8 hangang 5.6 percent.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dahil dito nasa 4.5 percent naman ang nine-month average inflation rate ng bansa mas mataas sa pagtaya ng BSP na 2.0 hangang 4.0 percent para ngayong taon.