Computer Technician arestado sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag pa sa awtoridad ang computer technician matapos arestohin ito dahil sa nagpositibo umano sa ilegal na droga sa Purok 2, Brgy. Sabang, Legazoi City.

Kinilala ang suspek na si Harrywell Ebuenga Toleda, 33 anyos residente ng Purok 3, Brgy. Puro ng nasabing lungsod.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ayon sa report, matagal ng minanmanan ang suspek dahil sa labas pasok umano ito sa Barangay Sabang na nakikipagtransakyon dahil dito ikinasa ang Anti-Illegal Drugs Operation ng mga kapulisan kung saan pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang plastic sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu sa halagang P12, 500.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Narecover sa kanya ang dalawang suspected shabu at pera na ginamit sa pakikipagtransaksyon sa buy bust operation.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudiya na rin Legazpi city police station para sa kaukulang disposisyon