Pinakamataas na kaso ng Covid-19 sa loob ng isang araw naitala sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng pinakabagong record high single day Covid-19 case ang lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay matapos na makapagtala ng 71 bagong mga kaso ng nasabing sakit dahilan para umabot na sa 708 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso.

Sa nasabing bilang, 36 dito ay walang travel history; 24 ay close contact; isa ang may travel history habang 9 ang Health Care Workers na nahawaan.

Read More:  ₱1-M misdeclared medical device shipment seized by BOC in Cebu

Pinakamaraming naitala ang lungsod ng Sorsogon na umabot sa 32 kaso; 9 sa Gubat; 7 sa Irosin; 5 sa Juban; apat sa Castilla, tig- tatlong kaso sa mga bayan ng Pilar at Bulusan; tig-dalawa naman sa bayan ng Casiguran at Matnog habang tig-isa sa mga bayan ng Magallanes, Bulan, Barcelona at Donsol.

Read More:  Police officer seriously injured after vehicle crashes into checkpoint Misamis Occidental

Pumalo naman sa 301 ang death toll matapos na madagdagan ito ng panibagong limang nasawi.

Sa kabuuan, umaabot na sa 5, 391 ang nahawaan ng nasabing sakit sa lalawigan, habang nakapagtala naman ng 4,382 recoveries kabilang na ang 30 bagong recoveries.