Comelec pinalawig ang voter’s registration mula October 9 hangang 31

Kinumpirma ni Commission on Elections Chairman Sheriff Abas na palalawigin pa mula October 9 hangang October 31 ang voter’s registration.

Ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang iba pang mga eligible voters na makapag-parehistro.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Una nang sinabi ng Comelec na ang extension ng voter’s registration ay dahil na rin panawagan ng mga mambabatas at apela ng publiko.

Magugunitang nagbanta pa ang ilang senador na tatapyasan ang 2022 budget ng Comelec kung hindi nito palalawigin ang deadline ng pagpaparehistro na nakatakda sanang magtapos bukas September 30.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ipinunto ng ilang mambabatas maraming mga botante ang bigong makapunta sa mga voter’s registration dahil sa mga ipinatupad na lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.