Isang Senior Citizen sumuko sa mga otoridad matapos managa sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Boluntaryong sumuko sa mga rumespondeng pulis ng Daet MPS ang isang 61-anyos na lalaki matapos itong managa dakong 2:30 ng hapon nitong Setyembre 26, 2021 sa Purok 4, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si Romeo Encinas Ladimo, 61 anyos, may asawa habang  ang biktima ay nakilalang si Danilo Flores Abejero, 53 anyos, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Ayon sa imbestigasyon ng Daet MPS, tinaga sa ulo ni ROMEO gamit ang bolo/itak si DANILO habang ito ay papasok sa bahay ng nasabing suspek.

Bago ang nasabing insidente, diumano ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek na nagresulta sa hindi nila pagkakaintindihan.

Read More:  Fetus found inside female comfort room at Negros Occidental Coliseum

Si Danilo ay nagtamo ng minor injury at itinakbo sa Camarines Norte Provincial Hospital para malapatan ng paunang lunas

Samantala, si ROMEO ay boluntaryong sumuko sa mga rumespondeng pulis.

Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Daet MPS para sa paghahanda ng kaso laban sa kanya.