(Update) Rescue operation nagpapatuloy kaugnay sa Lolo na nalunod sa ilog sa Kalibo

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa mga oras na ito ang isinasagawang search and rescue operation kaugnay sa insidente ng pagkalunod na nangyari kaninang umaga sa may Kalibo- Numancia Bridge.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang search and rescue operation ay isinasagawa ng mga miyembro ng BFP Kalibo, SRF Aklan kabilang ang PDRRMO Kalibo, MDRRMO Kalibo at Numancia, PNP Kalibo, BFP at PNP Numancia.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matatandaang tinangay kaninang umaga ng malakas na current ng tubig sa ilog ang biktimang si Arlindo Tamayo, 64yo na taga bayan ng Lezo pero pansamantalang nakatira dito sa C. Laserna St., Kalibo, Aklan. / ANN DESLENE SALAZAR