LPA, magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao

Makakaranas ang Mindanao ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ngayong Sabado dahil sa epekto ng isang Low Pressure Area.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng magdulot ito ng pagbaha o landslides sa mga apektadong lugar lalo na sa okasyon ng severe thunderstorm.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 230 kilometers silangan ng Favao City.

Samantala, mararanasan naman ng Metro Manila at ng nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Nag-abiso ang PAGASA na posible parin magdulot ng pagbaha at landslides ang mga localized thunderstorms lalo na sa panahon ng severe thunderstorms.