PNP: 135 areas sa NCR, kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown

Umaabot sa 135 areas sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim sa granular lockdown.

Sa datos mula sa Philippine National Police, ang naturang mga lugar ay napaulat sa 53 barangays ng siyam na mga lungsod at munisipalidad, kung saan ideneploy ang 247 PNP personnel at 452 force multipliers.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Ayon sa PNP, ang kanilang papel ay matiyak ang seguridad at masunod ang minimum health standards sa mga concerned areas.

Kaugnay nito, nasa 80 sa naturang mga areas ay streets, 47 ay kabahayan, anim na mga barangay o subdivisions, at dalawa ay residential building floors.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Una nito, sinabi ni Metro Manila Council (MMC) head at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ang presensya ng isa sa mga kaso ng COVID-19 ay sapat na para ipatupad ang lockdown sa mga bahay o condominium floor.

Para naman ipatupad ang lockdown sa buong street, ay kailangan may dalawang kaso ng COVID-19.