FASTOD, duda sa kakayahan ng City-LGU sa pagtugon sa pangangailagan ng transport sector

SORSOGON CITY – Matapos na maghigpit sa health protocols, duda ang Federation of Associated Sorsogon Tricycle Operators and Drivers (FASTOD) kung kakayanin ng lokal na pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng transport sector.

Hinala ng pederasyon na kaya hindi sila isinama sa restriksyon ay dahil walang pondo ang City-LGU para mabigyan ng ayuda ang kanilang sektor gayong tiyak namang apektado ang kanilang kabuhayan kahit pa binigyan sila ng exemption.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Kaugnay nito, nangangamba ang hanay ng mga tricyle drivers sa lungsod ng Sorsogon sa magiging kalagayan ng kanilang mga pamilya kung magpapatuloy ang maagang curfew at weekend lockdown sa syudad, kung kaya suporta at ayuda ang hiling nila sa mga kinauukulan upang kanilang mairaos ang kasalukuyang sitwasyon.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Matatandaan na dahil sa paghihigpit sa mga panuntunan sa lungsod kabilang na ang pinaagang curfew at weekend lockdown, lugi  at mas lalo pang naging kakarampot ang kita na naiuuwi ng mga tricycle drivers sa kani-kanilang mga pamilya.