BICOL—Kumpiyansa si Commission on Human Rights (CHR) Bicol Regional Director Atty. Arlene Alangco na nananatili ang tiwala sa kanila ng mga tao kaya higit nilang kailangan ang pondo para sa pagpapatuloy ng kanilang mga serbisyo.
Ito ay sa kabila ng iba’t-ibang usaping kinaharap ng komisyon sa ilalim ng Duterte administration dahil sa mahigpit nitong pagbatikos sa war on drugs campaign.
Kung maaalala, dati nang nagkaroon ng isyu ang pagpopondo sa CHR noong 2018 matapos na tapyasan ito nang husto sa P1,000 sa deliberasyon ng kongreso dahil umano sa pagiging useless ng komisyon.
Pero ayon kay Alangco hindi naman ito nangyari dahil mismong ang mga stakeholders at ang mga tao ang kumalampag sa kongreso at senado para mabigyan ng pondo ang CHR.
Anya, sa ngayon ay umaasa silang mapapaboran sa budget hearing ang kanilang hiling na mas mataas na pondo para sa susunod na taon.
Bagamat hindi naman umano nawawalan ng pondo ang komisyon bawat taon pero kung minsan ay mas binababaan ito o hindi napagbibigyan ang actual budget na kanilang hinihingi. ### || slm, with reports from BNFM Legazpi