COMELEC Naga City, kinumperma na fake news ang kumakalat na impormasyong bakunado lamang ang tanging makakaboto

NAGA CITY – Hindi totoo ang kumukalat na impormasyon na tanging mga bakunado lamang ang papagayagang makaboto sa 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Mico Julia, COMELEC Officer ng Naga City,  sinabi nitong “fake news” ang kumakalat na impormayong ito.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Sinabi pa nitong hindi naman aniya requirement na dapat bakunado at may vaccination card ang isang botante upang ma-exercise ang karapatan sa halalan.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Samantala hinikayat nito ang mga hindi pa nakakapagparehistro na tumungo na sa mga COMELEC offices bago ang Set. 30 o deadline ng voter’s registration.