Mahigit 300 kg basura nakolekta sa 2 coastal barangays sa Legazpi re: World Cleanup Day

BICOL—Aabot sa mahigit 300 kilo ng iba’t-ibang klase ng basura ang nakolekta ng mga volunteers sa dalawang coastal barangays sa lungsod ng Legazpi kasabay ng pakikiisa sa International Coastal Cleanup Day noong Sabado.

Kabilang sa mga nakolekta ay ang mga plastic bags, plastic bottles, styro containers, marine debris at iba pa kung saan napuno nito ang nasa 100 sako.

Pinangunahan ng JCI Legazpi Dawani Chapter ang nasabing aktibidad katuwang ang JCI Daraga at Tabaco gayundin ang lokal na gobyerno ng Legazpi, mga empleyado ng munisipyo ng Daraga, Mayon Photography, AXA, Guardians, Oragon Bikers, Fierce Bicolana Football Club at Let’s do it World Foundation.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay JCI Legazpi President Leah Buenaventura, napili nila ang Barangay Dapdap at Puro para sa aktibidad dahil ito ang palagiang dinarayo ng mga tao kaya kailangang mapanatiling malinis.

Mas maganda rin umano ang lugar at open space ito lalo pa ngayon na nananatili pa rin ang banta ng coronavirus.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Panawagan nito sa mga Albayano at Legazpeño, nasa kamay ng mga tao ang pangangalaga sa kapaligran kaya kung gusto umanong maabutan pa ng masunod na henerasyon an kagandahan nito, kailangang maging disiplinado at responsable ang lahat sa pagpapanatili ng kalinisan. ### || slm, with reports from BNFM Legazpi

Photo Courtesy: Mayon Photography