Underground train station ng modernong rail, malaking tulong sa pag-unlad ng Pampanga

Inaasahang malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng Pampanga ang isinasagawang underground train station ng modernong rail.

Sa ngayon ang Philippine National Railway Phase 2 mula City of Malolos hanggang Clark ay 32 percent completed na ayon sa DOTR, at ang underground train station nito sa Clark International Airport ay sinimulan nang itayo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kung mula sa Tutuban-Malolos o Phase 1 ay isang oras na biyahe na lamang papunta sa Clark tiyak umanong darami ang negosyo at trabaho.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Mababatid na isa ito sa binigyang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ng Gobyerno sa ilalim ng Build-build-build program.