Mahigit 70 indibidwal sa bayan ng Macabebe, Pampanga nananatili parin sa evacuation center

Mayroon pang 77 indibidwal o 24 na pamilya sa bayan ng Macabebe ang nananatili parin sa evacuation center.

Base sa report ng Pampanga  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, ang mga pamilyang ito ay mula sa Baranggay ng Sta. Lutgarda, Sta. Cruz, San Vicente and Sto. Rosario.

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Binabaha pa raw kasi ang mga nasabing barangay kaya’t hindi pa pwedeng pabalikin ang mga residente dito.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Samantala, maliban sa bayan ng Macabebe, ilang baranggay at kabahayan rin  sa bayan ng Apalit, Candaba, San Simon at Masantol ang binabaha.