Problema sa mga hospital ngayong linggo nakikita ng Naga City planning office kung patuloy ang pagsipa ng COVID-cases

NAGA CITY- Patuloy ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Naga City, nitong nagdaang araw umabot sa 96 sa record ng Health Emergency Response Task Force o HERTF at kahapon sa tala ng Department of Health Bicol pumalo sa 100.

Sa COVID- situation update ni Mr. Willy Prilles ng City Planning Office sa Sanguniang Panlungsod sinabi nitong 110% na ang growth rate sa Naga , 48 ang average daily cases, may average daily attract rate na 19 kumpara noong Agosto na pumapalo lamang sa 4-5.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Aniya magkakaroon na ng problema sa mga hospital facilities ngayong linggo kung patuloy ang trend na ito. Magpupunuan ang mga pasilidad.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Una na ring sinabi ng DOH Bicol na ang COVID beds sa Bicol Medical Center ay nasa critical risk na , gayundin ang isolation beds, at puno na ang COVID ward beds, high risk din ang ISU beds.