APEC kulang sa aksyon sa illegal connections sa kuryente sa Tabaco City-PNP Tabaco

LEGAZPI CITY—Nanawagan ang Tabaco City Police Station sa tanggapan ng Albay Power and Energy Corporation o APEC na agad umaksyon sa nangyayaring illegal connection sa kuryente sa kanilang lungsod.

Ito nga ay matapos na hindi agad magresponde ang APEC sa tawag ng PNP Tabaco sa namataan na illegal tapping o direktang pagkabit ng kuryente sa main line ng APEC habang nagsasagawa ito ng pag aresto sa isang persona na may warrant of arrest sa Purok 5 ng Brgy. Pinagbobong ng nasabing lungsod.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Matapos nga mamataan ang nasabing ilegal na aktibidad, agad ito humingi ito ng reponde sa APEC ngunit lampas isang oras na at wala umanong dumadating.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Sa ngayon nanawagan ang PNP sa nasabing management na aksyunan ang problema dahil mismong mga Apec consumers ang sumasalo sa systems loss na dala nito.