3 patay, 31 nawawala sa pananalasa ng bagyong Jolina ayon sa NDRRMC

Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Magement Council ang tatlong patay at 31 na nawawala mula sa pananalasa ng Tropical Storm Jolina.

Sa huling ulat ng NDRRMC ay sinabi na dalawa ang nasawi sa Naro, Masbate habang nasa 4 naman ang sugatan at 14 ang nawawala mula sa nasabing lugar.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Patuloy pang bineberipika ng ahensya ang nasabing ulat.

Dagdag ng NDRRMC, naitala ang isa pang fatality sa bayan ng Buenavista sa Marinduque habang sa Esperanza, Masbate naman ay napaulat na meron apat na tao ang nawawala.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Inihayag rin ng ahensya na may 12 mangingisda ang inisyal na napaulat na nawawala sa Catbalogan, Samar, ngunit lima sa kanila ang nasagip na.

Samantala, naiulat rin na nawawala ang tatlong mangingisda sa Culaba, Biliran.