Patay ang drayber ng motorsiklo habang sugatan ang mga angkas nito nang silay maaksidente ganap na 10:30 ng umaga kahapin, ika-5 ng Setymbre sa National Highway ng Sitio Gomioc Brgy. Punta Baja, Rizal Palawan.
Ayon sa Rizal PNP, ang nasawi ay kinilalang si Onining Damsa Tumbak, 33 anyos at ang mga angkas nito ay sina Jonie Damsa Tumbak, 22at Denis Goling Amit, 22 anyos mga residente sa Sitio Balin balin, Barangay Ransang, Rizal.
Lumabas sa imbestigasyon na binabagtas ng mga biktima ang lugar papunta sa Baranggay Iraan at nang makarating sa kurbada ay nag overshoot ang sasakyan kaya dumiretso ito sa gutter ng kalsada.
Dead on arrival sa pagamutan si Onining Damsa Tumbak dahil sa tinamong pinsala sa katawan.