NPA leader at isa niyang tauhan patay sa engkwentro sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nasawi ang isang mataas na lider ng New People’s Army at isa nitong tauhan sa engkwentro sa mga awtoridad, hapon noong Huwebes sa boundary ng Brgy Patag at Cawayan sa bayan ng Irosin, Sorsogon.


Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng tagapagsalita ng 22nd Infantry Battalion, sinabi nito na nagsasagawa umano ng operasyon ang kanilang tropa bilang tugon sa impormasyon na kanilang natanggap hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde sa nasabing lugar nang makaengkwetro nila ang nasabing grupo na may bilang na humigit-kumulang 40.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation


Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang alias Cenon at alias Jay-R.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu


Napaulat din na dalawa ang sumurender kabilang na ang lider ng Platoon 1, Larangan 2 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC). Kinilala lamang ang mga ito na sina alias Dexter at alias Bunso.


Nakuha sa lugar ang 6 na M16 rifle, kasama na dito ang armas ng dalawang nasawi, tatlong anti-personnel mines (APM) at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.