Pagpapakita sa bestfriend, isa sa naging daan para makita ang mag-ina nito na kasamang nasawi sa aksidente sa Puerto Princesa.

Nagpakita umano sa kanyang kaibigan ang kaluluwa ni Jeffrey Mones na kasamang nasawi sa malagim na trahedya na naganap nitong August 30, 2021 sa Bgy. Inagawan Sub, Puerto Princesa City.

Ayon sa bestfriend ni Jeffrey, bandang alas 4:00 ng madaling araw  nitong ika -31 Agosto, aktwal na nagpakita sa kanyang harapan ang kaluluwa ng kanyang kaibigan at sinabi sa kanya “ Pare paki sundo naman ang mag-ina ko.”

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa parehong araw ay nanaginip ang kanyang asawa at paggising nito ay umiiyak na ay sinabing napanaginipan si Liezel Canja Mones na asawa ni Jeffrey Mones na kabilang sa nasawi.

Dahil dito kinutuban na sila at nagdisisyong balikan muli ng kaanak ang lugar kung saan nangyari ang aksidente.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Bandang alas-sais ng umaga nitong ika-31 ng Agosto nang makarating ang pamilya sa pinangyarihan ng aksidente at natagpuan ang mag-ina na hindi rin nakaligtas sa aksidente.

Unang dumating ang kaanak sa lugar at sa kanilang ginawang pag-iikot nakita nila ang isang sapatos ng babae at biberon (baby’s bottle).