DPWH , irerekomenda na maisama sa rehabilitation at reconstruction ang bahagi ng kalsada sa Bgy. Inagawan Sub.

Irerekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maisama sa rehabilitation at Reconstruction ang bahagi ng kalsada sa Bgy. Inagawan Sub, Puerto Princesa City.

Ayon kay Engr. Arthur Torillo ng 3rd District –DPWH, pinuntahan na nila ang lugar kung saan naganap ang aksidente kahapon sa pagitan ng motorsiklo at kotse na nagresulta ng pagkasawi ng isang pamilyang nakamotorsiklo na kinabibilangan ng mag-asawa at dalawang anak.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Ito ay upang makita ang kalsada at maisama sa Planning Design Section ng kanilang opisina para maisaayos kung kinakailangan , upang maiwasan muli ang ganitong klaseng aksidente.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Nagbigay din ito ng paalala sa lahat ng mga nagmamaneho ng sasakyan na huwag kakalimutan ang mga kahulugan at simbolo ng mga linya sa kalsada.