France, target na makabili ng 18-million COVID booster shots sa 2022

Target ng France na makapag-administer ng third shot ng COVID-19 vaccine sa tinatayang 18-million na tao sa maagang bahagi ng 2022.

Ito ay matapos irekomenda ng health advisory body ang booster shot para sa mga tao na edad 65-pataas at para sa iba pa na may existing medical conditions na kinkonsidera bilang at risk.

Read More:  16 killed in magnitude-7 earthquake in China

Sinabi ng HAS na nakikita nila ang booster shots bilang genuine health requirement para mapalawig ang proteksyon na ibinibigay ng bakuna, tulad ng makikita sa ilang pag-aaral.

Umaasa naman ang gobyerno ng France na matatapos ang 12.4-million booster shots sa katapusan ng 2021, at ang natitira sa maagang bahagi ng 2022.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Matatandaan na sinabi ng World Health Organization na inconclusive pa ang datos sa third shots ng COVID-19 vaccine.

Hiniling rin ng WHO na matigil ang pagbibigay ng booster shots at sa halip ay pagtuonan na lamang ang pagbibigay ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.