Bakuna bubble, maaaring magdulot ng diskriminasyon-CHR

Posible umanong magdulot ng diskriminasyon ang panukalang paghiwalayin ang mga bakunado at hindi pa bakunadong mga indibidwal.

Ito ang babala ng Commission on Human Rights(CHR) sa gobyerno matapos na imungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na magpatupad ng “travel bubble” na maghihiwalay sa mga indibidwal na nabakunahan na laban sa COVID-19 sa hindi pa nababakunahan.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Ayon kay CHR spokesperson at lawyer Jacqueline Ann de Guia, maaaring magdulot ito ng diskriminasyon lalo ngayong pahirapan pang makakuha ng bakuna ang mga tao dahil sa limitadong suplay nito sa bansa.

Kahit umano magsilbing incentive ang pagkakaroon ng mas higit na mobility sa mga nabakunahan na, problema pa rin umano ng bansa ang COVID-19 supply.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Aniya, ang pinakamaganda umanong hakbang upang maprotektahan ang mga hindi pa nababakunahan ay taasan ang suplay ng bakuna at pagbutihin pa ang vaccination rate sa bansa.

Patuloy lamang umanong papaalalahanan ng CHR ang gobyerno na laging irespeto at pagmalasakitan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino sa bawat hakbang o plano nito.