Inihahanda na ng Mabalacat City Government ang mga brand new na police mobile bilang donasyon sa Philippine National Police o PNP Region 3.
Ang mga nasabing patrol cars ay parte ng mga ipinangakong commitment ng Lungsod sa Probinsiya ng Pampanga na makatutulong sa pagpapanatili ng katahimikan at katiwasayan sa siyudad, sa Clark, at sa buong Pampanga.
Ang paglalaan ng pondo sa mga nasabing police mobiles ay manipestasyon umano ng pagbibigay-halaga ng Mabalacat City Government sa peace and public safety programs ng siyudad habang binibigyang prayoridad ang COVID-19 response at vaccination ng mga mamamayan.
Taun-taon ay naglalaan din ang siyudad ng mobility support sa pamamagitan ng barangay service vehicles at paglalaan ng isang milyong piso sa bawat barangay.
