Angara, tiniyak ang tuloy-tuloy na pamimigay ng benepisyo ng mga healthworkers kahit napaso na ang Bayanihan 2

Tiniyak ni Senate Committee on Finance chairman Senador Sonny Angara na tuloy-tuloy ang pamimigay ng benepisyo sa mga healthworkers kahit napaso na ang Bayanihan 2 law.

Ito ay sa gitna ng pangamba ngayon ng mga health workers sa pageexpire ng Bayanihan 2 Law na naglalaman ng karapatan ng mga health workers sa benepisyo gaya ng special risk allowance, actual hazard duty pay, insurance, food and transportation allowance, board and lodging, at medical expense coverage kung sakaling sila ay tamaan ng COVID-19 habang nasa duty ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon sa senador na sya ring otor ng batas, hangga’t umiiral at hindi pa binabawi ni Pangulong Duterte ang deklarasyon ng national emergency sa bansa ay magpapatuloy pa rin ang benepisyong ito ng ating mga medical frontliners.

Siniguro rin ng senador na maibibigay pa rin ang SRA ng mga frontliners sa kabila ng pagbalik ng pondong P9.02 bilyong budget para rito sa Treasury, batay na rin sa kumpirmasyon ng Department of Budget and Management (DBM).

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Matatandaang si Angara rin ang opisyal na awtor ng National Vaccination Law na siyang nagbigay-daan sa pagbabakuna ng mga Pilipino sa lahat ng panig ng bansa.