DTI sa gov’t: Bigyan ng insintibo mga fully-vaxxed individuals vs COVID-19

Hinimok ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang gobyerno na payagan ang mga vaccinated individuals na maka-avail ng dine-in at personal care services sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ayon kay Lopez, ang naturang mga services ay mas ligtas para sa mga vaccinated individuals laban sa COVID-19.

Dagdag nito, walang expected increase sa severe at critical cases dahil sa naturang hakbang.

Sinabi naman ng kalihim na hindi na kailangang tukuyin ang mga vaccinated at unvaccinated sa ibang businesses at services, gaya sa mga malls at public transport.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Para kay Lopez, dapat payagan ang sinuman sa naturang mga sektor, dahil kung hindi ay lalabas itong discriminatory. // MHEL PACIA-TRINIDAD