Mga na-lockdown dahil sa Delta variant sa Surallah, nakatanggap ng food aid

KORONADAL CITY — UMABOT sa 201 na food packs ang naibigay ng local government unit ng Surallah sa mga residenteng isinailalim sa hard lockdown sa Villanueva Plains Subdivision, Zone 1, Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato.

Mismong si Municipal Social Welfare and Development o MSWD Officer Rhoda Leaf Catoto ang nanguna sa pamimigay ng nabanggit na food assistance sa mga na-lockdown.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa kabila nito, marami din umanong mga private individuals ang nangakong magbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pitong araw na hard lockdown simula noong August 24 na magtatapos sa katapusan ng buwan.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ipinatupad ang hard lockdown sa nasabing subdivision matapos naitala rito ang unang kaso ng delta variant ng Covid-19 sa nabanggit na bayan.